PASASALAMAT

Likas na sa tao ang magpasalamat. Kaya gagamitin ko itong prebilehiyo upang buong puso kong pasalamatan ang mga naging inspirasyon ko para makagawa ng mga sulating pampanitikan at nawa’y magsilbi itong behikulo para mapabuti ang kung anuman ang meron ako.

Sa lahat ng mga taong nagbigay sa akin nang anumang klaseng inspirasyon – batid man ninyo o hindi – salamat. Hindi dahil sa ayaw kong isa-isahin ang inyong mga pangalan ngunit baka may makalimutan ako at baka ito pa ang dahilan para ako’y inyong kamuhian. Nagpapasalamat rin akong lubos sa aking mga magulang sa walang sawang pag-iintindi sa aking mga kamalian. Inspirasyon ko kayo dahil kahit gaano pa kahaba o kaikli ang daang aking tinatahak, nagsisilbi kayong tanglaw at gabay para makarating nang matiwasay sa aking paroroonan at higit sa lahat sa Maykapal na tanging nakaaalam sa kwento ng aking buhay.

Thursday, March 27, 2014

SAWI


Nakikita mo ba ang iyong bansang dakila?
Waring walang nabubuong magandang balita
Hindi ka ba natatakot at natataranta?
Saan ka patutungo? Saan? Parang wala na

Nagbubulag-bulagan sa mga kaganapan
O baka alam mong wala nang kahahantungan
Ang pagmamahal mo sa iyong inang bayan
Ay wala nang natitirang kapayapaan

Mga ngitngit at delubyo ng kalikasan
Patunay lamang na ang tao ay gahaman
Sakim sa mga personal na kaginhawaan
Kawawa naman ang aking bansang naiiwan


Saturday, March 22, 2014

PICKS OF WISDOM IN THE BATTLEFIELD

Life is a battlefield
Win or lose, either fate one can yield
The winner raise tall
The loser has to fall

In my journey towards success
I have been to many wars and tests
I tried everything just to make sense
But behind those hardships, I always failed and felt tense

I know life is not always good for me
But I treat it favorably
Coz my faith in God makes me stand strong
Even if everything seems go wrong

And so I learned that life is not at all a bed of roses
Coz at times we carry on heavy crosses
But if we choose to move forward
At the end, we reap the greatest reward

An agony of the loss to his brother who had no choice


Someone…

Someone asked me,
Do you really care of my existence?
I cried “hell no”
Shut your mouth
And empty that thought
For the pains I felt when we fighting
For the troubles I made when you were insane
For the merciless I took and the sorrows with no sake
Now, tell me
Should I bother of your existence?


He tearfully replied
How about my loss
Would you cry?
For a bit
I was speechless
And then a moment came by
He hugged me tight
And left me behind
Still I was anxious
Breathless
My heart beat slowly
My system was gone suddenly
For a second
I freed

The ideas were flashing on my mind
It could not be
That someone was my brother
He was my brother
For whatever reason
We were of the same kind
Even my folks loved him so terribly
Much as they do love me

I ran as fast as I could
But a light covered his whole
Until I saw him nowhere
Even eyeing on the horizon so cruel

I kneeled down
I prayed
I murmured
I wished
I asked for acceptance
And for forgiveness

And then out from the middle of my bitterness
Someone appeared like he could hear me saying
And see me being
Someone tapped on my shoulder
And quietly uttered
I am now gone forever
As you always wanted

When I was still alive
I was someone to all
But no one only to you
And now you are calling me someone?

Isn’t it ironic?
You only see my worth
Now that I am cold and dead
For my soul departed from my gross
I am now no one
Still remain no one
Until the end of time

Now,
I dare to ask
Would you care if I would exist
Even if I am no longer


…someone?



“Ligo na u, Lapit na me” Ni Eros S. Atalia

MAAARING ITO ANG WAKAS



“Ano ang mapapala ko sa araw na ito? Magkakaroon ba ako ng matinong trabaho? Makikita ko bang muli si Jenny? Madudugtungan ba ang naudlot naming samahan? Magaganap ba ang closure na inaasahan ko? Mabuti pa ang baliw sa labasan, may sariling mundo at ideya.  Hindi mo makikita sa kanya ang pagbabalatkayo na kadalasang makikita mo sa mga nag-iibigang nagtataksilan. Mabuti pa sina inay at itay, may taimtim na pananampalataya kaya alam nila ang kanilang mga landas na tinatahak.

Mabuti pa ang mga naging mga guro ko sa kolehiyo, alam nila ang mga depinisyon at katuturan ng kanilang mga itinuturo.  Samantalang ako, saan ako mag-uumpisa, ano ang mundong naghihintay sa akin at paano ko ilalahad ang baliw na pag-ibig na unti-unting pumapatay sa akin?”, nahihiwagaang tanong ni Intoy sa kanyang sarili.
           
Ito ang kaisipang bumabagabag sa kanya habang binabagtas ang kahabaan ng kalye sa Maynila.Nakikipagsapalaran. Hindi nya alintana ang mga nakaririnding busina ng mga sasakyang parang langgam sa dami.  Sa mga nagtataasang gusali na abot ang mga ulap. Sa mga taong kanyang nakakasalubong, mga lalakeng naka-tuxedo at mga babaeng putok ang mga make-up sa mukha na akala mo ay mga ehekutibo sa mga kumpanya pero promodizers pala.
           
Isang nakatayong nilalang na naka-shades ang pumukaw sa kanyang atensyon. Nilapitan nya ito, pero laking gulat nya na yun pala ang kababata nyang si Perry, ang baklang kamukha ni Jenny.  Ipinangalan sya kay Agent P, ang Platypus sa Phineas and Ferb.  (Huwag na kayong magtaka kung bakit ganun ang tawag sa kanya).

Perry: Saan ang lakad mo? Pormang-porma natin ngayon ah?

Intoy: Naghahanap ng trabaho, alam mo na, wala nang allowance eh.  Kailangang kumayod para may pamporma sa mga tsiks!.

Perry: Sige tutulungan kita pero dapat may pitik, pambili lang ng yosi, you know?!

Intoy: Ayokong magkautang ng loob, baka nga mas malaki pa ang babayaran ko sa’yo kesa sa sweldo ko.  Mahirap na.

Perry: Sige, one-night stand na lang

Intoy: Anong akala mo sa akin, kolboy?  Oh itong ballpen, gamitin mo kung kating-kati na ang lalamunan mo!

Perry:  Tse, dyan ka na nga!  Itsura nito!

Pinagpatuloy na ni Intoy ang paglalakad. Nagbabaka-sakaling si Jenny na sana ang kanyang makita para hindi masira ulit ang araw nya. Si Jenny na sobrang liberated na parang may kanser na sa kalandian na mahirap gamutin at hanapan ng lunas. Si Jenny’ng bangang na parang palaging tumitira ng sunog na tsinelas. Pumasok si Intoy sa malaking gusali para mag-apply. Pero habang papasok, may nakita syang babaeng naka-bandana sa isang sulok, umiiyak.  Nilapitan nya at nagulantang dahil yun ang babaeng matagal na nyang hinahanap - si Jenny. Subalit hindi sya makapaniwala sa nakita, iba na ang pustura ng Jenny ngayon. Sobrang payat at parang literal na may kanser.

Intoy: Jenny, oh my God! Kumusta ka na? Anong ginagawa mo rito?  Akala ko ba nag-suicide ka? Bakit hindi mo tinuloy sayang naman? June na ngayon, tamang-tama, maraming estudyanteng makikiramay sa iyo hahaha. Ayos na ba ang pagka split-personality mo?

Jenny: (tinitigan lang si Intoy, walang anumang tinig na namutawi)

Intoy: Oh wait, bakit namumugto ang mga mata mo? Kapapanood mo kasi ng soap opera, tuloy nagdradrama ka na naman. Hindi ko makuha kung bakit maraming naaadik sa mga ganyan, bakit hindi na lang ang mga sarili nilang problema ang kanilang iyakan?

Jenny: Bakit mo ako nahanap? Nilayuan na nga kita eh!

Intoy: Bakit mo naman lalayuan ang lalakeng dumilig sa iyong tuyot na halamanan?  Sa lawak ng mundo, bakit kaya tayo pinagtapo? Siguro may atraso kang dapat mong pagbayaran o natanto mong mahal mo na ako at tayo ang itinadhana?

Jenny:  Whatever dude!!!

Intoy: Yan ang mali sa mga babae, paimpokrito! Kunwari pa eh gustong gusto namang pabukaka kapag may nakita nang gwapo. Ako, hindi gwapo pero may itsura. Hindi pala talaga lahat ng tama ay totoo. Tama bang makakita ka lang ng gwapo eh akala mo totoong lalake na. At ako, tama bang magmahal ako ng babae na hindi naging totoo sa kanyang sarili.

Jenny: You’re so dramatic dude. Lumagpas ka sa ating limitasyon. Di ba FB lang tayo? Fuck buddies lang, perks. Hanggang scroll down lang pero di pwedeng i-like, ayan tuloy na cybercrime ka, nakakulong sa bilanggong ikaw mismo ang gumawa. Yan ang mali sa mga lalake, pinatikman ko lang kayo ng alindog ko, gusto nyo pang ulit-ulitin, ayan tuloy na empatso kayo.

Intoy: Nawili ako dahil libre. Bakit ka pala andito at bakit ka umiiyak?

Jenny:  Can you just be serious for once?! May AIDS ako Intoy. Sakit na nakuha ko sa huling nakasex ko na si Lawrence, isang OFW, naging chatmate ko sya sa skype. Gwapo kaya pinatulan ko. Nagkita kami mga dalawang buwan pagkaraang mailuwal ko ang aking pinagbubuntis.

Intoy: So sino ang ama ng dinadala mo noon?

Jenny: Ikaw lang at wala nang iba ang nakasex ko noon. Ikaw lang ang naging parausan ko kapag ako’y kating-kati.  Oo Intoy, manyak ako.  Sex addict.  Isipin mo na ang gusto mong iparatang sa akin.  Naging ganoon ako kasi naghahanap ako ng atensyon at pagmamahal na kahit sarili kong pamilya hindi maibigay. Hinanap ko kung sino ang makapagbibigay sa akin ng kalinga. Ginamit ko ang katawan ko para maging instrumento ng aking paghahanap. Pero pare-pareho lahat ang mga lalake, mapaglinlang at manggagamit. Hanggang sa makilala kita Intoy. Sa una, isasama lang sana kita sa koleksyon ko.  Kahit hindi ka ganoon kagwapo, sumige ako.  Nagising na lang ako isang araw na mahal na pala kita subalit nagkunwari akong iparamdam sa’yo kasi gusto kong ipakitang matapang ako. Ayokong matukso!

Intoy: Matukso? Hindi kita kailanman tinukso.  Ikaw ang kusang nagpakita sa akin ng motibo, mahal kita pero ayokong ipahalata kasi baka samantalahin mo ako’t pagtawanan. Ayokong magmukhang masokista.  Ayokong nasasaktan. Bakit ka lumayo at bakit pinasinungalingan mong ako ang ama ng batang ipinagbubuntis mo noon?  Bakit ka tumakas sa suliraning ako dapat ang mangresolba at magpasya?

Jenny: Natakot at nahiya ako sa aking sarili. Lumayo ako kasi baka problemahin mo pa ang aking kalagayan at iyon pa ang dahilan ng iyong hindi pagkagradweyt.  Naawa ako sa iyong mga magulang dahil alam kong mahal ka nila. Mahal na mahal. Si Karl Vladimir, ang iyong anak. Ipinangalan ko siya sa’yo. Limang taon na sya. Wag kang mag-alala hindi sya nahawaan ng sakit ko.  Pagkapanganak ko sa kanya kinuha na agad sya ni mama. Hindi ko na sya napadede simula noon.  Hindi ko na sya nakita kaya narito ako nagbabaka-sakali kahit sa huling pagkatataon bago ako mawala.  Ang papa ko ang may-ari ng gusaling balak mong pag-aplayan.  Ayaw nila akong lumapit sa bata kasi raw baka mahawa.  Kilala ka ng aking pamilya Intoy, alam nila ang iyong background, sinabi kong ikaw ang ama ni Karl, ikaw na naging bf ko noong college, matalino at galing sa konserbatibong pamilya. Pwede kang magtrabaho rito kung gusto mo para makilala ka naman ni Karl bilang kanyang ama.  Hindi mapagmataas sina mama at papa, sadya lang na abala silang nagpapayaman, pera lang ang importante sa kanila, yun ang sentro ng kanilang buhay, pera at marami pang pera.

Intoy: (Hinawakan ang mga kamay ni Jenny) Naalala ko pa ang winika ni manong driver noon habang papunta ako sa ating tambayan. Binigyan nya ako ng condom.  Sabi nya, “Ang mali pwede mong itama at ang tama kahit anong gawin mo nagiging mali sa paningin ng iba.  Wag kang paapekto sa mga paninira pero kung ayaw mong gumamit ng condom, magtiis ka sa kahihinatnan ng inaakala mong tamang desisyon.  Kung labag sa’yo ang gumamit nyan, makonsensya ka sa magiging anak mong, oo nga binigyan mo ng pagkakataong mabuhay pero binigyan mo kaya ng karapatang maging maligaya dahil hindi mo maibigay ang karampatang pagmamahal na pwede mong ialay sa kanya. Maging responsable ka”.

Jenny:  Magpakalalaki ka, magpakatino. Hindi ka na bata para paglaruan ang apoy ng pagnanasa at baka yun pa ang susunog ng tuluyan sa iyo.  Kailangang ibalanse mo ang romansa sa iyong buhay. Huwag kang maghangad na makakaraos ka agad. Halikan mo ang iyong kapalaran, dilaan mo ang swerte at isubo mo nang buong-buo ang iyong mga pagkabigo’t problema.  Doon ka nagiging mas matatag sa anumang posisyong iyong kakaharapin. Umaasa akong mamahalin mo ang bata katulad ng pagmamahal ng iyong mga magulang sa’yo.  Umaasa akong magiging responsableng ama ka. Paalam na Intoy.  Hindi na ako makakatakas sa naging bunga ng aking paghahanap.

Intoy: Paalam Jenny.  Paalam sa aking pusong nagmahal nang tapat sa’yo. Ganito ba talaga ang reyalidad ng pag-ibig, hindi lahat nagiging masaya. Hindi lahat may happy ending.  Hindi mo alam kung kailan darating at kung kailan dumating na, sya namang bilis ng kanyang pag-alis. Mahiwaga talaga ang pag-ibig. May mga desisyon tayo sa buhay na humuhubog sa ating sarili at yung mga desisyon ang nagbibigay depinisyon ng ating pagkatao.


WAKAS J

Friday, March 21, 2014

Hiwaga ng Buwan

Hiwaga ng Buwan

Tag-araw. Maaliwalasang kapaligiran. Sa batis na kung tagurian ay pasyalan ng mga magsing-irog, naroon si inay, ang babaeng martir. Naglalaba. Ang patpatin n’yang mga kamay ay parang sa kalansay dahil sa dami ng kanyang nilalaba araw-araw. Ang mga paa n’ya ay namamanhid dahil na rin sa maghapong nakasawsaw sa tubig. Ang mga labahin ay kinukuha pa n’ya sa mga kabahayan sa kabilang baryo na gustong hingin ang kanyang serbisyo. Barya-barya lamang ang kanyang kinikitang pantustos sa nagdarahop n’yang pamilya. Magtatanghali na kaya uuwi na naman s’ya saglit. Nakayapak n’yang binabagtas ang mabatong daraanan. Nag-aapura s’yang makauwi agad dahil alam n’yang may naghihintay sa kanya. Malapit na s’yang makarating nang matanaw n’ya ang batang nakahandusay sa paraanan ng kanilang barung-barung. Nagmamadali s’yang lumapit dito. Hinagkan papasok sa loob. Alam n’yang nalipasan na naman ng gutom ang pobreng bata. Kinuha n’ya ang tirang pandesal na naroroon sa ibabaw ng lamesa. Isinubo sa kanya para mahimasmasan at saka pinahiga sa kamang parang masisira na sa karupukan.. Nakatulog ang bata habang pinapaypayan ng tagpi-tagping karton. Maya-maya ay narinig n’ya sa labas ang mga hiyawan. Tanto n’yang parating na naman ang kanyang nag-iisang anak – si Hali. Yun ang tawag sa kanya ng kanilang mga kapitbahay na nakikiusyoso sa mga kaganapang waring nanonood ng palabas sa tuwing nakikitang nagbabangayan ang mag-ina. “Nand’yan na si Hali”, bungad ng mga lalakeng nag-iinuman sa tindahang tapat ng kanilang bahay. Gusto na naman nilang masilayan ang balingkinitang pangangatawan at malulusog na dibdib ni Hali. “Hey darling, upo ka muna sa kandungan ko”, saad ni Mang Edward, isa sa mga lalakeng nag-iinuman. “May pera ka ba r’yan?”, tugon ni Hali. “Wala eh, utang muna saka na lang yung bayad” ani Mang Edward. “Mahiya kang tanda ka, hindi libre ang bawat kembot ko”, pagmamalaking wika ni Hali sabay tumatawang nang-iinsulto paalis.“May giyera na naman ang mag-ina”, palahaw ng mga lasing habang inihahatid nila ng tingin si Hali papasok sa kanila.

Dire-diretsong tinungo ni Hali ang kusina. “Ano bang klaseng buhay to oo, tutong na nga ang kanin wala pang ulam! Subukan n’yo kayang sumayaw-sayaw sa kabaret gabi-gabi, hubo’t hubad, kapirasong panty lamang ang suot. Mga panty na binibili pa ng mga lalaking parokyano ko. Dahil ang pera ko sanang pambili ay para sa pesteng bata na iyan!”, panduduro sa pobreng bata na nakaratay sa higaan. “Huwag kang ganyan Sabel”, pagmamakaawa ng kanyang ina, si Aling Selya. “Ang batang yan ay iyong anak”.
“Sabel? Sabel ba kamo? Sino ba si Sabel? Ako?! Huwag nga kayong birhen d’yan kung ituring ako. Simula nang mapariwara ang buhay ko at magtrabaho sa pipitsuging kabaret doon sa may bayan, Hali na ang tawag sa akin. Hali-parot. Bato na ang puso ko sa mga lantarang pagkukutya sa akin ng mga tao. Pero ang hindi ko matanggap ay ang batang iyan! Hindi ko s’ya anak. Anak yan ng demonyo mong asawa”.
“Nagmamakaawa ako sa’yo Sabel”, hinagpis ni Aling Selya. “Bata ka pa, hindi pa huli ang lahat. Huwag mo nang balikan pa ang nakaraan”. “Nakaraan?”, tanong ni Sabel. “Ang kabilugan ng buwan ang nagpapaalala sa anino ng aking nakaraan, galit ako sa sumpa ng kanyang liwanag”.
Umupo si Sabel sa paanang bahagi ng kama kung saan nakahiga ang kanyang anak. Kinuha ang yosi. Pinapakalma ang sarili. “Alam mo inay, hindi ko nga alam kung sino ako ngayon, kung saan ba talaga ako patutungo. Ni hindi ko nga maalala kung kailan ba nagpakatatay sa akin ang butihin mong kabiyak. Sapul noong bata pa ako, hindi ko na naranasan ang mabuhay na katulad ng mga kababata ko. Malaya at puno ng pagmamahal. Samantalang ako, kung hindi bugbog, mura ang isasalubong sa akin ni itay. Natuto akong maglakwatsa para makaiwas sa mga sakit na aking tinatamasa. Tuwing hapon, doon sa may batis, hinihintay ko si Carlo. Doon naman talaga ang tagpuan ng mga nag-iibigan! Mahal ko si Carlo, siya ang palagi kong sumbungan, siya ang tagapayo sa akin at may pangako siya na itatakas n’ya ako rito at maninirahan kami sa Maynila. Pero ang mga paniniwala ko ay biglang naglaho.


“Hinihintay ko noon si Carlo sa batis, dala ko ang aking mga gamit dahil yan ‘yung araw na ako’y kanyang itatanan. Naroroon ako mga dapithapon, umaasa na s’ya ay darating. Pero mag-aalas syete na wala pa siya. Kabilugan ng buwan noon, malamig ang paligid, ang lagaslas ng tubig at lawiswis ng hangin ay waring pinapaalahanan na may nag-aantay sa aking trahedya. Nangamba ako subalit tinatagan ko ang aking loob. May anino akong naaaninag sa malayo pero alam kong hindi iyon ang aking kalaguyong matikas dahil ang lalakeng aking nasisilayan ay mataba, ‘yun ay ang aking ama. Nakita ako ni itay dahil sa tulong ng liwanag na mula sa buwan na nagsilbing tanglaw para makarating s’ya sa aking paroroonan. Paspas kong kinuha ang aking mga gamit ngunit hindi pa man ako nakakatakbo ay nahila na nya ang aking buhok, napahiga kami sa may batuhan. Nagawa n’yang lahat ang gusto n’yang mangyari. Wala akong lakas para siya ay pigilan. Naging saksi ang batis sa mapait kong sinapit.
“Kinabukasan, nalaman ni Carlo ang nangyari sa akin, kahit may sakit siya ay dali-daling tinungo si ama na noon ay natutulog sa kwarto, may hawak siyang balisong. Dumanak ang dugo sa kanyang mga kamay. Walang krimen lalo na sa mga dukha ang nadadaan sa santong usapin. Namalayan ko na lang na ang aking pinakamamahal na tagapangtanggol ay naghihimas na ng rehas na bakal. Ako, dahil sa maagang nabuntis, ay nawalan na ng direksyon ang aking buhay. Pumasok ako bilang taga-aliw sa mga taong may makamundong pagnanasa. Inaalipin ang mga diwata sa gabi. Taga-aliw sa mga lalakeng katulad ng aking ama. At habang umuuwi ako na nakikita ko ang sumpang ‘yan. Hindi ko mapigilan ang aking emosyon. Naaalibadbaran ako. Poot ang naghahari”.


“Tama na anak, magtigil ka!”. Alam kong ako lahat ang may kasalanan. Ang lahat ng sisi ay dapat mong ibuntong sa akin, wag kay Maria na iyong anak. Siya ay kalahati ng iyong laman. Kahit pilit mo s’yang talikuran, nandoon pa rin ang katotohanang siya ay iyong anak. Nagmula siya sa’yo. Palayain mo na ang uwak na nakakulong nang matagal sa iyong puso. Hindi pa huli. Iwasto mo ang iyong buhay. Gumising ka sa bangungot ng karimlan, panaghoy ni Aling Selya.
“Kung ito nga ay isang bangungot, nanaisin kong wag na lang magising. Dahil hindi naman nagkakalayo ang bangungot na aking dinaranas kaysa sa tunay na daigdig – mapagkunwari at nakamamatay”, depensa ni Sabel.


Makalipas ang labing-isang taon.


Dahil na rin sa katandaan. Pumanaw ang butihing ina ni Sabel. Ni wala s’yang anumang sentimyentong nararamdaman. Manhid na siya sa kalungkutan. Sa mga nagkikislapang mga ilaw ang mundo n’ya, sa hiyawan ng mga lalakeng bastardo ang nagbibigay sa kanya ng galak. Napapaniwala s’ya sa mga puri ng kasinungalingan. Natuto s’yang gumamit ng bawal na gamot, ‘yun lamang ang kanyang sandalan. Sa bawat hithit buga, lumalabas ang usok ng kanyang huwad na katauhan. Siya ay nagpapalahaw, umiiyak, nanginginig, takot na takot. Sa kanyang imahinasyon, nag-aapoy ang paligid, naglalagablab. Tinutupok ang katawan nya. Siya ay nadadarang. Wala syang ibang alam na puntahan kundi sa batis. Sa lugar na naging puno’t-dulo ng kanyang pagdurusa. Mabilis n’yang tinanggal ang kanyang mga damit at sumulong s’ya sa katubigan. Parang bata na naglalaro. Malaya. Kabilugan na naman ng buwan. Ang lamig ng tubig ay tama lamang para maibsan ang init na kanyang nadarama. Tama lamang para maalala ang nakaraan. Tama lamang ang madilim na liwanag ng buwan para takasan ang buhay na nagsadlak sa kanya sa pagkamuhi. Sapilitang inianod ang mukha sa dalisay na agos ng tubig. Maraming nalagas na dahon sa mga punong nakapalibot sa batis pagkatapos.
Sa mga kwento ng kapitbahay nalaman ni Maria ang nangyari sa kanyang ina pero wala s’yang pakialam. “Hindi mo ba titignan ang iyong ina?”, tanong ng isang kapitbahay. “Para ano pa, hindi na kailangan, ganun din naman s’ya nung namatay ang kanyang ina eh”, pilosopong sagot ni Maria. “Paano ka na nyan mabubuhay?”, naaawang tanong ng isa na namang kapitbahay. “May kunting pera na naiwan ni nanay dun sa kanyang aparador, ok na yun tsaka ko na lang proproblemahin ang buhay ko”, ani Maria.

Isang gabi sa bahay nina Maria. Habang inililigpit n’ya ang mga damit ng kanyang inang si Sabel. May nakita s’yang amarilyong damit, lampas bewang lamang ang haba. Iginayak n’ya, Hapit na hapit. Umumbok ang makinis n’yang dibdib sa kurbada nyang pigura. Umupo s’ya sa may harap ng salamin, kinuha n’ya ang pulang lipstick na pagmamay-ari ng kanyang ina. Inilapat n’ya sa kanyang bibig. Lalong tumingkad ang kanyang kagandahan. Kaperahas rin ng ina ang kanyang angking ganda. Lumabas s’ya sa kanilang bahay. Kabilugan pala ng buwan noong gabing iyon.



Katarungan sa ngalan ng pag-iibigan


Paksa: Hindi na dapat ipagbawal ang romantikong relasyon ng guro at estudyante ngayong dalawampu’t isang    siglo

          Ang ating mundo ngayon ay mabilis na nagbabago katulad rin ng ating mga pananaw at ideya sa mga sitwasyong nakakaapektong lubos sa ating kapakanan, personalidad at kakayahan.  Sa modernong panahon ngayon, mahirap nang mapag-iwanan – mapag-iwanan kung nabubuhay ka pa sa kahapon – kahapon kung naniniwala ka sa konseptong  “bawal ang lahat”.  Binabago ng panahon ang laos at lumang paniniwala ng kahapon.
            Sa paksang romantikong relasyon ng guro at estudyante, hindi na dapat itong ipagbawal.  Ang tao, anuman ang kanyang estado at propesyon, ay may karapatang lumigaya at magmahal.  Malaya siya sa kung anuman o sinuman ang kanyang napupusuan.  Ganito ang ipinapahiwatig ng kawikaang ang pag-ibig ay bulag.  Mayroon mang ordinansa na sumasalungat sa ganitong relasyon, hindi ito mabisa kung ang pagbabatayan ay ang dalawang taong nagmamahalan nang lubos at dalisay, kung pareho silang nasa legal na edad at higit sa lahat, wala silang sinasaktan. Nasa magkapareha lamang kung paano nila ayusin at payabungin ang kanilang samahan.  Kung makakaya ba ng guro na ihiwalay ang kanyang propesyonal na buhay sa personal, kung kaya ba nilang ipagtanggol ang kanilang relasyon sa mapaghusgang lipunan na sila ay nasa moral at wastong panig at kung kaya ba nilang ipakita sa publiko na sila rin ay hamak at ordinaryong magsing-irog.

LIMOT

Ang pagsidhi ng ina
Sa kanyang anak na inalaga
Ay parang sa isang musika
Na puno ng pagsinta

Naalala ko pa noong aking kamusmusan
Palagi niya akong hinahagkan at inaawitan
Sa lamig ng kanyang boses para kong naiintindihan
Ang mga mensahe sa likod ng kanyang paghele

Ina at kanta
Ano ang pagkakapareho nila?
Oo, may kanya-kanya silang istorya
Pero marami ba ang siyang nakakaunawa?
Sa kanta, kinukulayan niya ang mundo mong payak
At sa mga panahong ikaw’y naisasadlak
Sa ina, binibigyan ka niya ng daigdig
Para mailayo ka sa mga mapagsamantala’t mananaig

Magkasalungat man sila sa maraming aspeto
Iisa lang ang takbo ng kanilang mga kwento
Ang naidulot nilang kabutihan

Ay makakalimutan kasabay ng kanilang paglisan